Pagbabalik-tanaw
sa Nakaran

Marami ang nagsasabi na
huwag tayong mabuhay sa ating nakaraan. Nakaraan na napabilang sa mga limot na.Tama
kaya na ipagsawalang bahala na lamang natin ang mga bagay o pangayayari mula sa
ating nakaraan? O tama kaya na ibaon nalamang natin ito sa hukay kasama ng
masasalimuot nating napagdaanan?Dapat kaya na maging masaya tayo dahil minan a
buhay natin dumaan tayo sa nakaraan na siyang humubog sa ating pagkatao na naging
dahilan ng pagkamatatag natin sa ngayon?
Marami
sa atin ang emosyunal kapag pinag-uusapan ang mga bagay tungkol sa ating
nakaraan maaring ito ay tungkol sa ating sarling buhay,sa pag-ibig,sa mga pakikipagsapalaran
at sa pakikipaglaban .Kung ating babalikan ang ating nagdaan maaaring makabuo na
tayo ng maraming aklat na may ibat-ibang paksa sa kadahilanang masyadong
komplekado ang mamuhay sa mundong ibabaw. Marami ang nag-aatubili na buksan ang
ganitong paksa sa kadahilanang dapat na raw itong ibaon sa limot. Dapat na tingnan
natin sa postibong pananaw ang mga bagay tungkol sa iting nakaraan dahil sa
nakaraan tayo natutong makipagsapalaran at lumaban hindi lang para sa ating
sarili kundi para narin sa mga taong nariyan para sa atin .Sa ating nakaraan makakakuha
tayo ng butil ng karunungan na ating sandata sa susunod na kabanata ng ating buhay.
Ang ating nakaraan ang
nagsisilbing imbakan ng ating mga karanasan na maaaring ihalintulad sa isang
garapon na taguan ng bagay bagay tulad
rin sa ating karanasan, maaring naging imbakan
din ito ng ating karanasan maging ito man ay mabuti o masama .Ang nakaraan ang
nagsisilbing giya o gabay sa atin . Ang ating nakaraan ay hindi makakahusga
kung ano man tayo sa ngayon dahil ang
ating nakaraan ay palatandaan na tayo ay isang ganap na indibidwal na makadanas
ng mga natatanging emosyon na normal lamang na pagdaanan ninuman.
Ang pagbabaliktanaw sa
ating nakaraan ay isang patunay na tayo ay isang taong matibay na kayang itaas
ang sarili sa anumang sitwasyon .Ito ay isang mabuting pamamaraan upang huwag
tayong nakalimot sa ating pinagmulan o ating napag daanan na siyang nagging susi
sa pagkakaoon ng matibay na AKO.Ito ay mabuting hanguan ng mga hugot kung tawagin
ng mga kabataan sa ngayon. Laging isaisip na huwag nating ipagsawalang bahala ang
ating nakaraan bagkus ay nagpasalamat na atin itong napagdaanan.Ating sariwain ang
ating nakaraan upang huwag malimutan ang ating pinagmulan at napagdaanan.
No comments:
Post a Comment